Thursday, September 23, 2004

Buhay Estudyante

Hindi ko na talaga alam ang susunod kong gagawin. Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon. Masyado kasing akong driven sa studies and work ko sa publication kaya pati ang pag-update ng simpleng blog ay hindi ko magawa. Kumbaga, nauutal na nga itong aking mga daliri kung ano ba ang isusulat ko.

Maraming nangyari sa buhay ko nitong nagdaan na isang buwan. I mean, maraming pangyayari na hindi ko inaasahan ang naganap, na talagang nagbigay na kakaibang epekto sa buhay ko.

Isa na ang hindi ko madalas na pagki-keep in touch sa family ko. Ewan ko kung ano ang ginagawa ng cellphone ko, madalas naman akong may load ngunit ang magtext man lang ng dalawa o tatlong linya eh hindi ko nagawa. Kaya ayun, medyo nagtampo sa mama at si papa, kaya sa tuwing hihinga ako ng allowance, wala ring dumadating.

Sa aking mga kasamahan sa Student Council. Dahil sa patong patong na pressures dulot ng school activities, nagka-developan kami! Nagkaroon ng bonding, naging close sa halos lahat ng bagay. Subalit kapalit naman nito ay ang paglamig sa akin ng mga kasamahan ko sa Publication.

Ang Vantage View na yata ang nagbibigay buhay sa aking mga dugo upang dumaloy at maghatid ng hemoglobin sa buong parte ng aking katawan. Paggising ko sa umaga, unang matatanto sa gunita ko ay Vantage View, kung nakapasa na ba sila ng articles nila, kung okay ba ang lay-out, kung may mga grammatical errors ba ang mga articles, o kung may kulang pa sa lahat lahat. Wala akong iniisip kundi ang ikagaganda at ikauusbong ng Vantage View na dati'y parang multo lamang na biglang magpaparamdam kung may release. Hindi naging maganda sa paningin ng mga kasamahan ko ang concern ko sa Vantage View. Iniisip nila na mino-monopolize ko daw ang Vantage View, as if ako lang kasapi nun. Mantakin mong sabihing authoritarian ako dahil nga inuutusan ko silang gawin ang nararapat lamang! Nakakainis sa una, pero napag-isip isip ko rin na para ko silang sinasakal sa ginagawa nila. Kasi nga po hindi sila sanay sa matrabahong press, beating deadlines, running after people for interviews. Wala silang inclination sa Press. Minsan tinanung ko yung isang ko writer, How far will you go to be able to manifest you commitment to campus press? What do I got? Isang malamig na kibit-balikat.

Mga walang hiya, walang silang utang na loob.

Yun ang mga namumutawi sa isip ko ngayon. Kainis. Ang sarap nilang tirisin lahat.