Thursday, September 30, 2004

Saan ba ang kaliwa o kanan?

Tuwing umuuwi ako ng bahay at sumasakay ng tricycle, madalas akong maka-encounter ng mga tricycle driver na hindi alam ang kanilang direksyon. Oo, may iilan pa rin tayong mga kababayang hindi nakaka
intindi ng left at right o kaliwa't kanan. Nakakatawa man (o nakakahiyang) pakinggan, subalit hindi maitatangging marami pa rin sa atin ang hindi ganap na nakakaunawa ng mga basic directions sa buhay. Katulad ng mga tricycle driver na lumiliko sa kanan imbes na sa kaliwa, tayong mga Pilipino ay madalas ding magkamali sa daang ating dapat tahakin. Marami tayong mga desisyong sa una palang ay alam nating hindi makabubuti sa atin. Ang mga taong dapat nating iwasan ay siya pa nating pinapakisamahan. Sa halip na liliko na pauwi ng bahay ay lilihis pa ng landas at makikipag-inuman sa kanto.

Oo, marami pa rin sa atin ang hindi ganap na nakakaunawa sa kung ano ang tama at kung ano ang mali. Tama man?