We went on a retreat yesterday at Our Mother of Perpetual Help Shrine at Binoligan, Kidapawan, North Cotabato. It was a 1 and half hour trip from Tacurong and all it takes is a couple of pals to chat with and kill time. Siyempre, hindi mawawala ang picture taking kaya naman kahit marami akong dala, never kong makakalimutan ang camera ko. Experimental photography, dito ko binubuhos ang time ko. Hindi ko pa napa-process ang films kaya hindi ko pa ma-post dito.
There is a piece of heaven pala in the heart of Cotabato, where violence, brutality and poverty are prevailing issues. The Retreat Center is owned and managed by the Oblates of Mary Immaculate. Siyempre pa, we were opted to observed a code of behavior. Maraming bawal pero carry naman. Actually, wala akong planong sumama, pero when I found out na prerequisite pala ito sa mga graduating students, I must really attend. Naku, ayaw kong mabulilyaso ang last year dito.
The place is really breath-taking, I took a lot of pictures which I hope maganda ang results. Ewan ko ba, parang hindi nga retreat ang pinunta ko doon. In all honesty, I didn't get something from that religious activity. A one-day of religious contemplation is not enough for me to realize what I have become in my life prior to the retreat. Ayun, may mga sharing and deep contemplation. Kunwari nakapikit daw ang mga mata at nagdadasal. Eh nakakaantok kasi kaya natulog na lang ako. Ang sama ko talaga. Kahit sa pagkakataong man lang na iyon ako nagpakabuti hindi ko nagawa. Mahirap talagang iwanan ang kung ano ka. Hindi basta madaling gawin ang kalimutan ang iyong maruming pagkatao ng simpleng pa-pikit pikit ng mga mata at kunwari'y humihingi na kapatawaran sa Diyos. Mahirap takasan ang iyong sarili lalo pa't ika'y napipilitan lamang at walang kusang-loob na nararamdaman sa iyong pagkatao. Kahit ang crying session, asus wa-epek! 'Wag sana akong kidlatan sa mga rebelasyong ito.
In short, wala po akong natutunan sa retreat. Ano pinapakahulugan nito? If only the retreat master was as effective as I was expecting him to be, eh baka nakonsensya man lang ako. Matigas lang nga ang puso ko? Hindi ko kayang sagutin yan.
Taking pictures then was more of a necessity than the sessions. I hope that through my pictures, I can a way or at least a sign for me to accept change.