Magulo ito, 'wag mo nang basahin!
I'm glad that experiences such as this arrive when I feel that everything around me is going against me. I'm in my lowest ebb ever, feeling so weak and vulnerable to almost everything discouraging. Tanungin ko ninyo ako kung bakit. Bakit? Praning lang talaga ako kapag nagkakapatong-patong ang mga reports (performance, financial, minutes) at submission ng projects. Sa sobrang stressed at fatigue, halos ma-praning na talaga ako, to the extent that I make away all the people going towards my way. Mayroon pa akong pinagtataguang mga tao sa school, ang Dean at ang moderator namin sa publication. Katakut-takot kasi na sermon ang aabutin ko kapag nangyari yun. Naku, sabihin mo ng duwag ako pero hindi kakayanin ng ego ko na lait-laitin at pintasan dahil sa mga shortcomings ko. Pinipilit ko namang baguhin ang ugali ko eh. Anyway, hindi naman nako-compromise ang obligasyon ko sa kanila. Back to main topic, we attended Mai-mai's 18th birthday at Payag ni Igme Restaurant. Medyo matagal-tagal lang kaming naghintay bago i-serve ang pagkain. Hindi naman magarbo ang selebrasyon. Mabuti na rin ito, sa palagay mas magiging exclusive at orderly ang celebration. Maiiwasan pa ang anumang gulo kung may inuman. After the eat-all-you-can encounter at the place, off we go to Tropicana Beach in Gensan for a beach party. Ang saya non di ba? Habang iniisip ko ang mga magagandang experiences na ito, hindi pa rin mawawala ang mga maraming issues tungkol sa ating bansa sa aking isipan. Actually, for the longest time, wala akong updates tungkol sa mga issues involving General Garcia, sa showbiz at maraming pa iba, wala na akong mai-enumerate dahil wala nga akong alam! Excited kaming mapa-develop na ang mga pictures at pagtawanan ang mga corny naming mga pose sa pictures. Excited ako sa ibang bagay: ang buksan ang blog ko kung may nag-comment or nagpost sa tagboard, at buksan ang email ko, pati na rin ang cellphone ko kung may bagong message. Pero ang maging kasing excited sa mga pangyayaring malaki ang epekto sa aking buhay bilang isang pilipino ay hindi ko nararamdaman. Minsan feeling ko marami na akong alam gawin, na alam ko na ang lahat. Sa sobrang saya hindi ko na iniisip ang buhay ng ibang tao. 'Yun pala marami pa dyan ang mas may ibubuga sa akin. Marami pa dyan ang mas masaya kaysa sa akin. May iba din dyan na mas mapalad kaysa sa akin. Narinig ko sa tv ang kaso ni General Garcia. Pucha, malaki-laki rin pala ang nadekwat niya sa gobyerno ano? Ang swerte ng asawa't at anak ni Garcia dahil nasa kanila na lahat ang chance na makuha ang lahat ng naisin nila. Ang evil ego, lumalabas kapag ganitong may kaungasan. Sana anak na lang ako ni Garcia. Okay lang naman, hindi naman ako yung makukulong eh, kapag napatunayang guilty ang tatay, di ba? Reality Mode. Kung ika'y nasa matino mong pag-iisip, iisipin mong walang kuwenta lahat itong pinuputok ng butse ko. Kung may psychologists/psychiatrist na makakabasa nitong journals ko, ano kaya ang magiging findings niya?