Linux OS-The Alternative
Kanina lamang ay nagkaroon kami ng maikling seminar tungkol sa Linux Operating System. Hindi na bago sa ating pandinig ang OS na ito pero hindi ko pa nasubukan at nakita ang hitsura ng bagong technology na ito. Kung tutuusin ay matagal na ito, hindi nga lang patok sa market dahil ito'y project pa lamang o na sa on-going process pa ng improvement, unlike Microsoft Windows. Paulit-ulit binanggit ng aming speaker na si Mr. Jude Landar, Systems Administrator ng King's College of Isulan, na huwag naming i-compare ang Linux sa Windows. Bagkus ay alamin at pag-aralan ang mga applications, features at opportunities ng Linux. Sa current market, 90% sa mga consumers ang bumibili ng Windows. Ang nalalabing 10% ay pinaghahatian na lamang ng Linux, MacOS at iba pang daan-daang Operating Systems. Ang dami pa lang OS na na-imbento ano?
Ineengganyo kami na subuking gamitin ang Linux. Maraming Distro o distribution ang Linux. Mayroong Red Hat, MandrakeSoft, Debian, Gentoo, SuSe at marami pang ibang Distro. Isang alternative talaga ang Linux sapagkat nilikha ito upang maging substitute or alternative sa Windows. Pero sa lahat ng mga advantage na meron ang Linux, bakit kakaunti lamang ang bumibili nito? Actually, open source OS ito o libre lamang, puwedeng i-download sa internet. Kung bibili ka naman sa distributors, $40 lamang presyo nito.