Oh Musta Ang Byahe Ko?
Nakakapagod. Lalo na kung wala kayong sasakyang pagmamay-ari. Kahit pa may sundo, diyahe talaga ang bumayahe lalo na sa kondisyon ngayon ng Maynila: Mausok, Ma-traffic, Masikip, Mainit! Biruin n'yo, lahat ng iyon tiniis ko para lang makauwi. Oh di ba!
Bago ang policy sa Pier 15. Kakaunti na lamang ang mga porter, kaya nag-uunahan ang iba na makakuha. Ung mga porter, choosy. Pinipili lang ang marami baggages, para siyempre malaki ang bayad sa kanila. Pinili kong buhatin mag-isa ang lahat ng dala ko, buti na lang at tumulong yung isa kong nakasabay. Isang bag na katamtaman lang dala nya. Si Erpat ang sumundo sa akin sa ibaba.
Para ka rin palang balikbayan sa lagay na ganito, ano? Maagang dumating ang boat, 6 am kaya sariwa pa ang hangin. Kitang-kita mula sa barko ang skyline ng roxas blvd at ayala. Talagang magandang pagmasdan, nakabibighani. Pero nung papalapit na ang boat sa pier, nag-iba ang simoy ng hangin. Ang baho ng Manila Bay! Mayor Lito Atienza, hoy gising!
Nananawagan po ako sa mga awtoridad, lalo na sa Philippine Coast Guard, at Manila Gov't na aksyonan ang lumalang problemang pangdagat na ito. Kumilos na kayo hangga't maaga pa, hangga't may buhay pa ang manila bay. Isipin nyo lang ang kapakanan ng susunod na henerasyon pagkatapos namin. Ano kayang Manila Bay ang naghihintay sa kanila?