Philippine Movie Industry shines through
It has been a "panata" in the family to go out on December 25 and join the hundreds of Pinoys nationwide march the cinemas and watch the films participating in the annual Metro Manila Film Festival. This year's filmfest, I must admit, are bound with so much expectations, excitements and hope as well. Prior to this event, the movie industry has wept over the loss of the Fernando Poe Jr., hailed as the King of Philippine movie. Malaki raw ang nawala sa industriya nung nawala siya. So that they jumped into a sort of assumption that the filmfest will be greatly affected. Baka raw langawin ang mga pelikula.
But the hordes of moviegoers and the escalating revenue of theathers proved the aforementioned statement wrong.
Isa ako sa mga libu-libong pumila upang makabili ng tiket. So Happy Together ang naisip kong unang panoorin. Dahil na rin siguro sa tema ng pelikula, kung saan may pinapakita ang alternative lifestyle nina Lianne (Kris Aquino) at Osmond (Eric Quizon). Malaking bahagi ng pelikula ay nakatoon sa buhay Osmond. Napaisip tuloy ako na isang paraan ito ng direktor upang imulat ang isipan ng mga Pilipino na may mga taong tulad ni Osmond, at dumadami ang kanilang lahi kaya dapat ay maging bukas na aking lipunan upang tanggapin ang nasabing phenomenon. Rating this film using the scale of 0 to 10, 10 being the highest, Im giving it 5. Sumunod naman naming pinanood ang lalong pinag-uusapang Aishite Imasu 1941. Although mas may appeal ang Enteng Kabisote dahil sa mga visual effects at ang Sigaw at Spirit of the Glass, mas inabangan ko ang film na ito dahil sa kontrobersyal na pagganap ni Dennis Trillo. Ang tema ng pelikula ay tipikal lamang, kuwento ng pag-ibig sa pamilya, kaibigan at inang-bayan. Talagang kapansin-pansin ang pagganap ni Dennis bilang si Ignacio Basa, isang bakla na umibig sa isang hapon na si Captain Ichiru (Jay Manalo) kung saan ni-reciprocate naman ng huli ang pag-ibig ni Ignacio o Inya sa pelikula.
Sa walong pelikula, ito lamang ang aking ginastusan at pinag-aksayahan ng panahon. Ang mahal kasi ng tiket, P71 ang pinakamura at ang sure seat naman eh P101. 'Yan ang presyo sa SM cinemas. Sayang at hindi ko napanood ang Mano Po 3 at Panaghoy Sa Suba. Ito ang mga pelikulang hindi gaanong pinilahan ngunit nagkamit ng maraming parangal sa MMFF Awards Night. Habang pinapanood ko sa TV ang mga showbiz reports ukol rito, hindi maitatangging sa kabila ng padausdos na ekonomiya ng Pilipinas, marami pa rin sa ating mga kababayan ang handang gumastos para sa mga pelikula ng MMFF kahit pa gipit sila. Isa ang minumungkahing ng scenario ito: patuloy pa rin ang pagtangkilik ng mga pinoy sa ating local films dahil may tiwala sila sa kakayahan ng mga local industry na gumawa ng mga dekalidad ng pelikula.