Social Responsibility
Perhaps one topic that might cause a certain botherance to a lot of people is one's responsibility towards his or her society or immediate environment. What is a common tao's understanding when he is asked about social responsibility? I asked my seatmate who happens to be one of those who considers beautifying oneself as a primordial activity. What can you contribute to the progress of your society? Indeed, an ordinary question yet spawns a confusion among the youth, tagged as Generation X. She gave a quick answer, and it goes like this: "Kanya-kanya tayo ng ginagawa 'di ba! Eh meron namang mga student leaders at yung SK-SK na 'yan, nasa kanila ang obligasyong na gawin peaceful at progressive ang beloved Philippines. Dahil bata pa naman ako, saka ko na lang pag-iisipan 'yan, anyways hindi naman involved sa mga bisyo kaya hindi ako magiging sakit ng ulo." Her rebuttal almost pushed me to tears. I didn't expect the Generation X to be reactive like her. Siguro kaya tayo binansagang Gen-X dahi wala tayong inatupag kundi ang magpaguwapo't magpaganda. Ang pumorma.
Indeed this is a very all-encompassing issue yet it all boils down to one's obligation to serve his society selflessly and effectively without the expecting anything in exchange for that service. Ito ang adhikaing ikinabubuhay ng mga taong tinawa na tibak o aktibista. Sila ang mga taong walang inisip kundi ang kapakanan ng masang Pilipino. Kalayaan, kapayapaan, at hustisya ang mga birtud na isinusulong ng mga aktibista. Kaya naman, alin mang programa o aksyong may bahid ng kasamaan ay hindi pinapalampas bagkus ay ipinaglalaban. Ramdam nila ang hirap ng masang Pilipino kaya hindi na nila alintana ang iba't ibang vanities o fads ng modernong panahon. Handa nilang ibuwis ang kanilang sariling buhay sa adhikaing ito upang mapagtagumpayan ang layunin nilang iangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino. At ito'y makakamit lamang kapag nailampaso na ang mga taong walang ginawa kundi ang magnakaw sa kaban ng bayan, at magpahirap sa mga mahihirap at maliliit.