Burning the midnight oil-if only
Hay, napakabilis po talaga ng panahon at ginugugol ko na naman ang mga nalalabing araw upang i-comply ang mga req'ments ko for the finals. At sembreak na naman! Yehey! Hindi na ako gigising ng napaka-aga upang humabol sa napaka-aga kong klase. Naku, wala talaga akong asenso nito kung ganito ang ugali ko! Sa lagay na ito, mas una ko pang binubuksan ang blog ko kaysa sa aking notes. If only I was that more enthusiastic when it comes to preparing for exams, if only I was only that motivated to pursue my studies in a more dynamic way, I would have qualified for the magna cum laude candidacy. Cum laude lang pala. Nakakuha kasi ako ng 80% sa Theo prof ko. Aaminin kong hindi ako interesado sa theology. Sayang talaga. 85% kasi ang cut-off grade. Wala na akong maipagmamalaki sa aking mga magulang. Hindi tulad noong elementary at high school days ko. Nung graduation, halos hakutin ko lahat ng awards. Hindi ko na iniisip ang mga awards na 'yan ngayon. Mas mahalaga sa akin ang makatapos at makahanap ng trabahong may P15-000 and up na suweldo (ambisyoso ako noh..hehehe).