Thursday, December 30, 2004

PGMA umuwing humahagulgol!

Tama po, sa kauna-unahang pagkakataon humagulgol pa-uwi si Pangulong Gloria. Ngunit hindi dahil sa mga nasalanta ng hagupit ng bagyo kundi dahil sa kagustuhan niyang maki-ride sa political drama bunsod na rin ng pagkamatay ng best friend niyang si FPJ.

Too much politicking at the expense of FPJ death

Aba malay ko ba kung ano ang isusulat ko sa topic na 'to.

Basta ang alam ko hindi mawawala ang usaping politika at sandamak-mak na pulitiko ang siguradong makikisakay at gagamitin ang naaagnas ng katawan ng Panday upang isulong ang mga interes...oh lumabas nga 'yung magkakaroon ng destabilization.

Next entry please...

The Stupid That Is Me

History is cruel, it keeps on repeating itself.

After I vowed not to be lazy about having my blog updated always, I guess I may be violating a major offense in the world of blogging. Surely if there is a court or any platform of justice that hears cases such as mine, I would have been found guilty beyond reasonable doubt of the crime.

At ngayon, nangangatog na namang muli ang mga daliring ito at ang aking natutuyong utak ay hirap na naman upang makabuo ng mga salita upang bigyang hustisya ang kaisa-isang silbi ng pagba-blog na ito.

Ang mga nakalipas na araw ay tila isang malaking tsunami sa bilis, hindi ko man lamang namalayan na mahigit isang buwan na pala akong nabobobo. Kaya naman, isa sa mga wishlist ko this year ay makabili ng personal computer para naman hindi na ako muling magkakaroon pa ng dahilan na hindi magblog. Tama man?

Friday, December 24, 2004

Oh Musta Ang Byahe Ko?

Nakakapagod. Lalo na kung wala kayong sasakyang pagmamay-ari. Kahit pa may sundo, diyahe talaga ang bumayahe lalo na sa kondisyon ngayon ng Maynila: Mausok, Ma-traffic, Masikip, Mainit! Biruin n'yo, lahat ng iyon tiniis ko para lang makauwi. Oh di ba!

Bago ang policy sa Pier 15. Kakaunti na lamang ang mga porter, kaya nag-uunahan ang iba na makakuha. Ung mga porter, choosy. Pinipili lang ang marami baggages, para siyempre malaki ang bayad sa kanila. Pinili kong buhatin mag-isa ang lahat ng dala ko, buti na lang at tumulong yung isa kong nakasabay. Isang bag na katamtaman lang dala nya. Si Erpat ang sumundo sa akin sa ibaba.

Para ka rin palang balikbayan sa lagay na ganito, ano? Maagang dumating ang boat, 6 am kaya sariwa pa ang hangin. Kitang-kita mula sa barko ang skyline ng roxas blvd at ayala. Talagang magandang pagmasdan, nakabibighani. Pero nung papalapit na ang boat sa pier, nag-iba ang simoy ng hangin. Ang baho ng Manila Bay! Mayor Lito Atienza, hoy gising!

Nananawagan po ako sa mga awtoridad, lalo na sa Philippine Coast Guard, at Manila Gov't na aksyonan ang lumalang problemang pangdagat na ito. Kumilos na kayo hangga't maaga pa, hangga't may buhay pa ang manila bay. Isipin nyo lang ang kapakanan ng susunod na henerasyon pagkatapos namin. Ano kayang Manila Bay ang naghihintay sa kanila?

Tuesday, December 21, 2004

Manila, here I come

Six months of pure studying and working in the org made me so hooked on them I nearly had time for myself. So to give myself a break from all of these crap (?), a homecoming is but a fitting and proper reward I can give to myself after working like hell in those fields.

I just bought my ticket a few hours ago and I am off to Manila tomorrow. And for the nth time, sasakay na naman ako ng Superferry. Pamahal ng mahal na kasi ang tiket ng plane ngayon, I guess its because of the Oil Deregulation Law, wala ng magagawa ang gov't kung taasan man ng mga private oil firms ang presyo ng crude oil. I paid P2,160, with meals na po yan, that's already their cheapest.



And yes, I will embark on a new endeavor tomorrow at 8am, which is travelling, one of my favorite things to do. In travelling, of course aside from sightseeings, you will get to learn fresh insights from your co-travellers or just by observing them do their own thing. Getting to meet new faces and personalities, strange people at that, adds to the excitement of travelling.

However, one thing I hate about travelling is that you will have to bring and carry big, bulky and heavy baggages and pasalubong. At pagdating mo naman sa pier, sandamak-mak ng porter ang gustong magbitbit ng bagahe mo. At ang mahal pa ha! On that point, wala na siguro akong magagawa. I guess that is one of attributes of travelling, kailangan talaga. Kahit ganoon, the fun of travelling is undeniable!

Excited na talaga ang lolo niyo bukas!

Thursday, December 09, 2004

Tinuhay updates

Tinuhay, the 1st Sultan Kudarat Writers Convention, is moved to December 12-14, 2004 at ACDC Training Center, New Isabela, Tacurong City. Preparations such as school-to-school campaigns and invitations are underway and the entire Secretariat is in its toes in ensuring that everything will go as planned.

As of the moment, 10 student publications have signified intentions of attending the Tinuhay.

Saturday, December 04, 2004

Trouble By Colplay

Oh no, I see,
A spider web is tangled up with me
And I lost my head
The thought of all the stupid things I've said

Oh no, what's this?
A spider web, and I'm caught in the middle
So I turned to run
The thought of all the stupid things I've done

I never meant to cause you trouble
I never meant to do you wrong
I, well if I ever caused you trouble
Oh no, I never meant to do you harm

Oh no, I see
A spider web and it's me in the middle
So I twist and turn
Here am I in my little bubble

Singing, I never meant to cause you trouble
I never meant to do you wrong
Ah, well if I ever caused you trouble
Oh no, I never meant to do you harm

They spun a web for me
They spun a web for me
They spun a web for me




Friday, December 03, 2004

Kuripot Si Mayor!

In order to suffice our meager fund for the convention, we resolved to seek financial assistance from those we think can help us out augment our budget. So we listed possible names--philanthropists, business tycoons and politicos, siyempre... And because christmas is already in the air, magbibigay sila. The mayor of this midsized city is one we sought for financial assistance. Last week we gave a solicitation letter to him.

Hoping that he can give us big amount, siyempre kilala siya bilang galante sa lugar namin, we anticipated that they would give us enough cash, mga around P5,000. And we went to claim what was supposed to be a godsend for us.

Walking around the city hall, esp the Mayor's Office , i beamed in awe towards the superbly crafter ceilings, walls and decorations hanged that gave the office the much needed look it should have. Maraming pera pala ang city gov't para makapagprovide ng ganitong facilities.

Tumatiginting na P500 po ang aming natanggap mula sa bulsa ng gobyerno! Nakakatuwang nakakainis talaga. Wala akong masabi sa ngayon. Basta isa ang aking conclusion, naubos ang pondo ng gobyerno dahil sa eleksyon slash nagpaHong KOng ang buong pamilya slash saksakan ng kuripot si mayor!

Wednesday, December 01, 2004

Des Amoureux a Paris

Ah basta, kahit ano pang sabihin niyo dyan, oo, gustong-gusto ko ang Lovers in Paris? Isa lang naman ang aking contention, kakaiba ang imported na teleserye na ito kaysa sa ibang nauna na. Kakaiba, dahil bukod sa maganda ang setting at ambiance, very striking din ang chemistry ng tatlong lovers. Ang makuwela at comical twists ng show ay lalong nagbigay sa akin ng dahilan upang manatiling gising hanggang alas-diyes ng gabi. Hay, ito lang talaga ang hinihintay ko gabi-gabi.

Ang Lovers in Paris ay binibidahin nina Kim Jung Eun na gumaganap bilang si Vivian, Park Shin Yang bilang si Carlo at si Lee Dong Gun bilang si Martin.

Synopsis ba kamo ang gustong mong malaman? Nagsimula ang lahat sa Paris kung si Vivian ay nagtatrabaho bilang waitress sa isang shop ngunit nasesante dahil sa madalas na tardiness. Pumasok sa eksena itong si Carlo ng mag-apply si Vivian bilang katulong sa bahay na tinutuluyan ni Carlo. Nasa Paris naman si Carlo dahil pinadala siya ng kaniyang ama para i-supervise ang car business nila doon. Eh loko rin ang direktor at ginawang pamangkin pa si Martin ni Carlo. Nagkakilala naman si Vivian at Martin ng mag-alok ng tulong ang huli upang mabenta ng malaki ang gown ni Vivian, gift iyon ni Carlo. At dun na nga nabuo ang chemistry. Sa una eh parang deadma lang si Carlo kay Vivian pero obvious naman na may gusto siya dito. Ganun din si Martin. Hay grabe ang conflict noh?

Kung 'di pa rin kayo convinced, better watched na lamang po ito sa ABS every day after ng It Might Be You.