Des Amoureux a Paris
Ah basta, kahit ano pang sabihin niyo dyan, oo, gustong-gusto ko ang Lovers in Paris? Isa lang naman ang aking contention, kakaiba ang imported na teleserye na ito kaysa sa ibang nauna na. Kakaiba, dahil bukod sa maganda ang setting at ambiance, very striking din ang chemistry ng tatlong lovers. Ang makuwela at comical twists ng show ay lalong nagbigay sa akin ng dahilan upang manatiling gising hanggang alas-diyes ng gabi. Hay, ito lang talaga ang hinihintay ko gabi-gabi.
Ang Lovers in Paris ay binibidahin nina Kim Jung Eun na gumaganap bilang si Vivian, Park Shin Yang bilang si Carlo at si Lee Dong Gun bilang si Martin.
Synopsis ba kamo ang gustong mong malaman? Nagsimula ang lahat sa Paris kung si Vivian ay nagtatrabaho bilang waitress sa isang shop ngunit nasesante dahil sa madalas na tardiness. Pumasok sa eksena itong si Carlo ng mag-apply si Vivian bilang katulong sa bahay na tinutuluyan ni Carlo. Nasa Paris naman si Carlo dahil pinadala siya ng kaniyang ama para i-supervise ang car business nila doon. Eh loko rin ang direktor at ginawang pamangkin pa si Martin ni Carlo. Nagkakilala naman si Vivian at Martin ng mag-alok ng tulong ang huli upang mabenta ng malaki ang gown ni Vivian, gift iyon ni Carlo. At dun na nga nabuo ang chemistry. Sa una eh parang deadma lang si Carlo kay Vivian pero obvious naman na may gusto siya dito. Ganun din si Martin. Hay grabe ang conflict noh?
Kung 'di pa rin kayo convinced, better watched na lamang po ito sa ABS every day after ng It Might Be You.