Sunday, November 28, 2004

Facing my worst fear

Sa wakas ay nagkaharap-harap na kaming lahat. Mahirap talaga sa unang harapin ang mga isyu o kasong kinasasangkutan mo, lalo na kung marami ang nagrereklamo. First time kong magkaroon ng ganitong experience kung saan lahat ay nakatingin sa'yo at lahat ng sisi ang nakabunton din sa'yo. Nagkaroon kami ng open forum upang iwaksi na ang alin mang hindi pagkakaunawaan at kontrobersyang bumabalot sa aming organization.

Ngayon ko lang na-realize na marami pala akong nasagasaang tao. Marami pa lang nagtanim ng galit sa akin at hindi ako makapaniwala sa una na ganoon na pala ang nararamdaman ng mga kasama ko sa publication. Mga bagay na para sa akin ay palaisipan din ngunit nagkaroon ng linaw ng ilabas nila ang kanilang emosyon at opinyon na rin. Ang dami ko palang atraso sa kanila.

Hindi ko intensyong gawin iyong lahat sa kanila. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin maisip lubusan na nagawa kong iyong lahat sa kanila. Manhid nga ba ako at insensitive sa mga feelings ng mga kasamahan ko? Siguro nga. Natapos ang miting na naisambulat nilang lahat ang sama ng loob nila sa akin na siyang nagpaluwag sa aming mga mabibigat na puso. Ang drama noh?