Ang hiwaga ng Chocolate Cake.
Pinaunlakan ko ang invitation ni Sheryl na um-attend na kanyang debut. Halos isang buwan pa nga lang kaming magkilala ngunit pakiramdam ko'y matagal ko na siyang kilala. Magaan kasi ang loob namin sa isa't-isa kapag magkasama kami. Nai-isyu na nga kami eh! At dahil nga hindi mawawala ang cake, particularly chocolate cake, hindi rin pupuwedeng hindi ako pumunta doon at pagkaitan ang sarili ko na tikman at namnamin ang sarap ng ganoong uri ng cake.
Nagkita kami sa Notre Dame of Dadiangas College kung saan siya kumukuha ng kursong AB Psychology. Astig ang school nila, autonomous status. Napansin kong sa bawat gate ng mga college o universities, may nakalagay, "Your Future Is Our Concern". Nakaka-intriga lang din kasi ang dating. Sa isip ko, medyo may mali sa phrase na 'yun. Dapat "Your Money Is Our Concern", hehehe. Pagkatapos maghintay ng isang oras, pumunta na kami sa bahay nila Birdie. Birdie pala ang tawag ng mga friends niya sa kanya, medyo may pagka-tomboy kasi. Pero girl na girl pa rin ang dating nun ha.
Ang mga sumunod na nangyari ay ganito: Nakaupo akong mag-isa sa isang sulok at mag-iisang kumakain ng chocolate cake na tanging cellphone lang ang kausap! Ang lupit na experience ko, parang gusto ko na ngang mag-walk out ng mga sandaling iyon, pero hindi puwede, nakakahiya kay Birdie.
Kung hindi lang dahil sa chocolate cake na 'yun eh siguro hindi na ako nag-attend ng party yung kahit alam ko ng ganun nga ang mangyayari. Pero hindi rin talaga pupuwedeng hindi ako mag-appear. Hay, ewan ko ba sa sarili ko. Ang labo noh?