Presswork here and there...
Tatlong gabi kaming hindi man pinagbigyan ang aming mga mata na pumikit man lang kahit ilang minuto. Hindi kasi pupuwede dahil iyon lang ang nalalabing time para matapos namin ang the weekly damean, weekly publication po namin sa org. Siguradong marami ang tataas ang magkabilang kilay lalo na ng mga administrators kapag naipalabas na ito. Paki namin. Eh kung sanang ginawa na nila ng solusyon ang mga reklamo ng mga estudyante noon, eh 'di sana hindi kailangan pang bulalatin ulit at i-expose sa publiko. Mga issues ng normal na sa halos lahat ng paaralan, such as mga additional fees na napaka-absurd, questionable ang basis, at mga ineffective services ng school na dapat ay matagal nang nalutas. Nakailang pakete rin kami ng nescafe (yung pahabang version nila na may quotable quotes sa likod, P1.50 ang isa nun). Hay good luck talaga sa amin. Good luck sa scandalous paper na 'yun.