Wednesday, November 17, 2004

Worst year ever for Filipino journalist

Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang bansang Pilipinas, isang demokratikong bansa pa naman, ay isa sa mga bansang nakararanas ng iba't-ibang uri ng human rights violation. Nakakalungkot isipin at nakapanglulumong tingnan sa mga dyaryo na ang Pilipinas ngayon ay number 1 na bilang "most dangerous place for journalists in the world". Hindi pa man nareresolba ang kaso ng iba pang napaslang na media men ay narito na naman ang isang kaso ng direktang pananakot sa mga journalist. Namatay kamaikailan lamang ang aming kasamahan sa NUJP na si Gene Boyd Lumawag.

Gene Boyd Lumawag of MindaNews, the 9th journalist killed this year.

Hindi man kami lubos na magkakilala, malaki naman ang naging epekto nito sa akin. Naalala kong na minsang nagkasama kami sa LANOG '04, mindanao wide student press convention ito. Isa sya sa mga speaker sa topic na photojournalism.

Dahil sa pangyayaring ito, mas lalo akong namulat sa tunay na estado na pamamahayag sa bansa. Nakakatakot isipin na nagiging target ng mga tinatawag na "tagapagtanggol ng bayan" o mga sundalo ang mga journalist dahil sa kanilang attempts na ibulatlat ang katotohonang sumisigaw na maibunyag.

Marami pang kaso na katulad kay Lumayag. Lahat pawang ironic, lahat ay lantarang panunupil sa karapatan ng malayang pamamahayag.

Paki click na lang ang link na ito para sa iba pang detalye. Bulatlat.com