Monday, November 29, 2004

Kawawa naman...

FOR THE teeny weeny sum of 50
cents, 2nd Lt.
Rolly Joaquin lost his chance of becoming the
Armed Forces chief of staff about 30 years from
now.
Joaquin, the valedictorian of Philippine Military
Academy Class of 2004, was caught shoplifting at
a US Army commissary inside Fort Benning,
Georgia. He was in there for the basic infantry
course in preparation for a job in the Philippine
Army, and as part of his award for graduating at
the top of his class.
Joaquin was caught removing a 50-cent discount
tag from one compact disc (CD) and placing it in
another CD costing $12.
For a measly P28 (at the current rate of about
P56 to the dollar), Joaquin will surely be kicked
out of the service for bringing disgrace to the
country, in general, and the Philippine military, in
particular. The government has lost a bright officer
who, when he delivered a valedictory address at
the PMA early this year said that the P2.1 million
spent on each cadet "will not be wasted."
What went wrong with Joaquin who was taught
the PMA honor code that requires a cadet not to
cheat or lie and to report a fellow cadet that he
knows has cheated or lied? Joaquin is probably
the only fresh PMA graduate who cheated or lied.
Those who became delinquent later were
influenced by graft and corruption in the real world.
If Joaquin, supposedly a model cadet because he
was No. 1 in his class, could cheat in a relatively
honest environment in the US Army, how could we
trust his classmates? Perhaps the PMA honor
code needs a boost. The school should take a
second, hard look at the cadet's honor code and
introduce changes.
Perhaps the premier military institution needs to
take in more cadets who come from middle and
upper class families who are steeped in moral
values and good breeding so they can influence
other cadets. Right now, a big percentage of PMA
cadets come from families whose offspring don't
have breeding. I once observed a PMAyer who
wiped his wet hands on the seams of his pants.
Good breeding is not learned in school but at
home.
Many middle and upper class families don't want
their sons to study at the PMA because of the
dehumanizing discipline that cadets there
undergo.
______________________________________
Naniniwala ba kayo dito mga parekoy??? hindi
pa din bawal mag isip...Panay ang banat ni Tulfo
e wala din naman syang alam. Kung gusto nyang
malaman ang katotohanan tungkol sa systema
dito e mag plebo sya dito o kaya ipasok nya anak
nya dito ng magkaalaman na. Lahat na lang kasi
ng binabalita eh yung mga negatibo sa AFP, lalo
na sa mga PMA graduates...bakit hindi nila ibalita
yung mga PMAyer na nagpapakahirap sa
bundok, mga napugutan ng ulo, mga tinamaan ng
bala para lang magampanan ang tungkulin bilang
isang kawal Pilipino...
BUO PARIN ANG LOOB NAMIN DITO AT HINDI
KAMI MAGPAPA APEKTO.
PARA SA BAYAN..


Credits: Thanks na marami kay Harianne

Updates re my CEGP career

Barely two weeks from now, our first major task of advancing campus press freedom in a wider scope is gaining momentum as we are already receiving confirmation from student pubs who will attend our first ever convention. The 1st Sultan Kudarat Wide Student Writers Convention is going to be the first ever assemblage of campus journalists around the province. This is happening on the 10th of December until the 12th at ACDC Training Center at Tacurong City, Sultan Kudarat. Around 50 delegates from over 15 student pubs, college and high school, are projected to attend.

Kinarir ko na talaga ang pagiging Chairperson ng Provincial Executive Board. Kailangan siyempre, first impression pa lang, masabi naman nila na deserving ako at naging effective sa aking function. Ngayon, nag-aabang na lang ulit kami ng confirmation from schools. Magdi-distribute pa pala kami ng mga solicitations at endorsement letters para sa mga politicos at mga potential na companies na maaaring magbigay ng malaki-laki.

Aayusin na lang namin ang mga workshop materials, kits at iba pang material things. Ico-confirm ko pa pala kay Ricmar at Parh kung okay na ang mga speakers. Kinakabahan din ako at the same time, excited. Naku, ano kaya kalalabasan ng activity namin?

Sunday, November 28, 2004

Lilo and Stitch!

Jasmine Trias with the President
For the benefit of those who are still not in the know, this was the picture with the winning caption sa pa-contest ng Phil. Daily Inquirer, Saturday Edition . Matagal na 'to pero nakakatuwang ulitin, hehehe. Makasali nga sa Oh Caption, My Caption.

Credits: bikoy.net

Facing my worst fear

Sa wakas ay nagkaharap-harap na kaming lahat. Mahirap talaga sa unang harapin ang mga isyu o kasong kinasasangkutan mo, lalo na kung marami ang nagrereklamo. First time kong magkaroon ng ganitong experience kung saan lahat ay nakatingin sa'yo at lahat ng sisi ang nakabunton din sa'yo. Nagkaroon kami ng open forum upang iwaksi na ang alin mang hindi pagkakaunawaan at kontrobersyang bumabalot sa aming organization.

Ngayon ko lang na-realize na marami pala akong nasagasaang tao. Marami pa lang nagtanim ng galit sa akin at hindi ako makapaniwala sa una na ganoon na pala ang nararamdaman ng mga kasama ko sa publication. Mga bagay na para sa akin ay palaisipan din ngunit nagkaroon ng linaw ng ilabas nila ang kanilang emosyon at opinyon na rin. Ang dami ko palang atraso sa kanila.

Hindi ko intensyong gawin iyong lahat sa kanila. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin maisip lubusan na nagawa kong iyong lahat sa kanila. Manhid nga ba ako at insensitive sa mga feelings ng mga kasamahan ko? Siguro nga. Natapos ang miting na naisambulat nilang lahat ang sama ng loob nila sa akin na siyang nagpaluwag sa aming mga mabibigat na puso. Ang drama noh?

Saturday, November 27, 2004

Malupit si Father

We promised ourselves to swallow wholeheartedly whatever consequences we may got into after releasing our scandalous paper. And the worst came to worse. We earned the fury of the administrators and accussed us of being against him and his administration. Ang lupit ni Father!

We're planning to seek advice from a lawyer before kami humarap kay Father to blah blah blah everything. Ibang klase! Nag-iba ang buhay estudyante ko after that one-single-paper-that-only-seeks-to-elucidate-certain-things.

We found some contents in the affidavit of complaint very disagreeable and definitely erroneous. Humanda sila. I hope it won't boil down to the filing of a libel suit.

'Wag naman Father. Huwag po! Estudyante lang kaming nagkakaranas ng mga irregularities at tanging hiling lamang ay mapagbigyang aksyon ang mga reklamo namin. Kung tutuusin, tinutulungan namin silang i-evaluate ang kanilang sistema at i-tama ang alin mang mali at hindi nararapat. Nagtatanong lang kami, hindi kami direktang nangbintang. Hangad lang namin ang katotohonan.

Kasalanan bang maging idealistic? Kung sa ikabubuti naman ito, why not?

Friday, November 26, 2004

Ang hiwaga ng Chocolate Cake.

Pinaunlakan ko ang invitation ni Sheryl na um-attend na kanyang debut. Halos isang buwan pa nga lang kaming magkilala ngunit pakiramdam ko'y matagal ko na siyang kilala. Magaan kasi ang loob namin sa isa't-isa kapag magkasama kami. Nai-isyu na nga kami eh! At dahil nga hindi mawawala ang cake, particularly chocolate cake, hindi rin pupuwedeng hindi ako pumunta doon at pagkaitan ang sarili ko na tikman at namnamin ang sarap ng ganoong uri ng cake.

Nagkita kami sa Notre Dame of Dadiangas College kung saan siya kumukuha ng kursong AB Psychology. Astig ang school nila, autonomous status. Napansin kong sa bawat gate ng mga college o universities, may nakalagay, "Your Future Is Our Concern". Nakaka-intriga lang din kasi ang dating. Sa isip ko, medyo may mali sa phrase na 'yun. Dapat "Your Money Is Our Concern", hehehe. Pagkatapos maghintay ng isang oras, pumunta na kami sa bahay nila Birdie. Birdie pala ang tawag ng mga friends niya sa kanya, medyo may pagka-tomboy kasi. Pero girl na girl pa rin ang dating nun ha.

Ang mga sumunod na nangyari ay ganito: Nakaupo akong mag-isa sa isang sulok at mag-iisang kumakain ng chocolate cake na tanging cellphone lang ang kausap! Ang lupit na experience ko, parang gusto ko na ngang mag-walk out ng mga sandaling iyon, pero hindi puwede, nakakahiya kay Birdie.

Kung hindi lang dahil sa chocolate cake na 'yun eh siguro hindi na ako nag-attend ng party yung kahit alam ko ng ganun nga ang mangyayari. Pero hindi rin talaga pupuwedeng hindi ako mag-appear. Hay, ewan ko ba sa sarili ko. Ang labo noh?

Sunday, November 21, 2004

Presswork here and there...

Tatlong gabi kaming hindi man pinagbigyan ang aming mga mata na pumikit man lang kahit ilang minuto. Hindi kasi pupuwede dahil iyon lang ang nalalabing time para matapos namin ang the weekly damean, weekly publication po namin sa org. Siguradong marami ang tataas ang magkabilang kilay lalo na ng mga administrators kapag naipalabas na ito. Paki namin. Eh kung sanang ginawa na nila ng solusyon ang mga reklamo ng mga estudyante noon, eh 'di sana hindi kailangan pang bulalatin ulit at i-expose sa publiko. Mga issues ng normal na sa halos lahat ng paaralan, such as mga additional fees na napaka-absurd, questionable ang basis, at mga ineffective services ng school na dapat ay matagal nang nalutas. Nakailang pakete rin kami ng nescafe (yung pahabang version nila na may quotable quotes sa likod, P1.50 ang isa nun). Hay good luck talaga sa amin. Good luck sa scandalous paper na 'yun.

Wednesday, November 17, 2004

Worst year ever for Filipino journalist

Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang bansang Pilipinas, isang demokratikong bansa pa naman, ay isa sa mga bansang nakararanas ng iba't-ibang uri ng human rights violation. Nakakalungkot isipin at nakapanglulumong tingnan sa mga dyaryo na ang Pilipinas ngayon ay number 1 na bilang "most dangerous place for journalists in the world". Hindi pa man nareresolba ang kaso ng iba pang napaslang na media men ay narito na naman ang isang kaso ng direktang pananakot sa mga journalist. Namatay kamaikailan lamang ang aming kasamahan sa NUJP na si Gene Boyd Lumawag.

Gene Boyd Lumawag of MindaNews, the 9th journalist killed this year.

Hindi man kami lubos na magkakilala, malaki naman ang naging epekto nito sa akin. Naalala kong na minsang nagkasama kami sa LANOG '04, mindanao wide student press convention ito. Isa sya sa mga speaker sa topic na photojournalism.

Dahil sa pangyayaring ito, mas lalo akong namulat sa tunay na estado na pamamahayag sa bansa. Nakakatakot isipin na nagiging target ng mga tinatawag na "tagapagtanggol ng bayan" o mga sundalo ang mga journalist dahil sa kanilang attempts na ibulatlat ang katotohonang sumisigaw na maibunyag.

Marami pang kaso na katulad kay Lumayag. Lahat pawang ironic, lahat ay lantarang panunupil sa karapatan ng malayang pamamahayag.

Paki click na lang ang link na ito para sa iba pang detalye. Bulatlat.com

Wednesday, November 10, 2004

Social Responsibility

Perhaps one topic that might cause a certain botherance to a lot of people is one's responsibility towards his or her society or immediate environment. What is a common tao's understanding when he is asked about social responsibility? I asked my seatmate who happens to be one of those who considers beautifying oneself as a primordial activity. What can you contribute to the progress of your society? Indeed, an ordinary question yet spawns a confusion among the youth, tagged as Generation X. She gave a quick answer, and it goes like this: "Kanya-kanya tayo ng ginagawa 'di ba! Eh meron namang mga student leaders at yung SK-SK na 'yan, nasa kanila ang obligasyong na gawin peaceful at progressive ang beloved Philippines. Dahil bata pa naman ako, saka ko na lang pag-iisipan 'yan, anyways hindi naman involved sa mga bisyo kaya hindi ako magiging sakit ng ulo." Her rebuttal almost pushed me to tears. I didn't expect the Generation X to be reactive like her. Siguro kaya tayo binansagang Gen-X dahi wala tayong inatupag kundi ang magpaguwapo't magpaganda. Ang pumorma.

Indeed this is a very all-encompassing issue yet it all boils down to one's obligation to serve his society selflessly and effectively without the expecting anything in exchange for that service. Ito ang adhikaing ikinabubuhay ng mga taong tinawa na tibak o aktibista. Sila ang mga taong walang inisip kundi ang kapakanan ng masang Pilipino. Kalayaan, kapayapaan, at hustisya ang mga birtud na isinusulong ng mga aktibista. Kaya naman, alin mang programa o aksyong may bahid ng kasamaan ay hindi pinapalampas bagkus ay ipinaglalaban. Ramdam nila ang hirap ng masang Pilipino kaya hindi na nila alintana ang iba't ibang vanities o fads ng modernong panahon. Handa nilang ibuwis ang kanilang sariling buhay sa adhikaing ito upang mapagtagumpayan ang layunin nilang iangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino. At ito'y makakamit lamang kapag nailampaso na ang mga taong walang ginawa kundi ang magnakaw sa kaban ng bayan, at magpahirap sa mga mahihirap at maliliit.

Sunday, November 07, 2004

All that has taken toll of my frail body..

Hey I'm back. Im literally and figuratively back after a week of no visitation. Mahirap na talaga ang buhay ngayon at apektado talaga ng lolo niyo sa fiscal "problem" na lang raw as so disgustingly pointed out by Madame President.

Natapos ko na rin sa wakas ang The Da Vinci Code. By far, this was the best book I've ever read. It figuratively taught me to use my cranium-thick brain to break the far-fetched codes and anagrams that this genius book has to offer. The suspense and the will to find out what is behind this or that and what could have really happened are enough motivation that kept me reading the book and almost skipping lunch and dinner.

I was appointed pala by the National Council as the Chairperson of the College Editors Guild of the Philippines-Sultan Kudarat Chapter. Kaya tiyak na mananakawan na naman ako ng oras upang i-update ang site na ito. This also serves as an information kung sakali mang hanap-hanapin niyo si Rocky Vallejos.

Ciao!